Ang buwan ng Nobyembre ay ang values month celebration. Ipinagdiriwang ito upang lumikha ng kamalayang moral at kaalaman sa human values ng mga Pilipino.
Tayong mga Pilipino ay hinahangaan dahil sa kaugaliang iniingatan at pinapahalagahan natin. Kilala rin tayo bilang may takot sa diyos, makatao, masipag, magalang, makabayan, at may sinseridad na pagmamahal sa pamilya at kapwa.
Lalong pinapatibay ng mga paaralan ang kaugalian sa pagkakaloob ng mga oportunidad sa kanilang mga mag aaral na ibahagi sa iba ang kaugaliang kanilang natututunan sa loob ng kanilang tahanan.
At sa paaralan, tuwing sasapit ang buwang ito, maraming patimpalak ang inihahanda para sa mga esudyante gaya ng essay writing, spoken poetry at iba pa. Marami ring events na pwedeng daluhan na may kinalaman sa values.
Tayong mga Pilipino ay may iisang dugo, ito ang dapat nating ikintal sa ating isip. Tayo ay magtulong tulong upang makamit ang pagkakaisa sa ating bansa.
No comments:
Post a Comment